Malapit nang bigyan ng Japan ang 38 na bansa ng anti-flu drug Avigan, na nakitaan ng potensyal na maka-gamot laban sa COVID-19.
Ayon kay Foreign Minister Motegi Toshimitsu na ang mga kabilang na bansang mabibigyan ay ang Netherlands, ang Pilipinas at Malaysia. Ang mga ito ay maka-tatanggap ng anti-flu drug na gawa ng isang Japanese company.
Sinabi nito na ang mga nabanggit ay kabilang sa mahigit 70 bansa na nag-request ng supply ng Avigan na inalok ng pamahalaan ng Japan na ibigay ng libre.
Sinabi pa ni Motegi na ang mga bansang maka-tatanggap ay mag-papadala ng clinical trial data sa Japan.
Ipinagbigay diin din niya na napaka-halaga na maka-gawa ng epektibong gamot upang mapigil ang pandemya. Dinagdag din niya na ipapag-patuloy niya ang public-private partnerships at international cooperation upang ma-promote ang pag-gawa ng mga gamot upang malunasan ang virus.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation