Inanunsiyo ng Kyoto ang kanilang panawagan para mapasama sa state of emergency ang kanilang lugar

Nananawagan naman si Mayor Kadokawa sa mga turista na huwag munang pumunta sa Kyoto hangga't hindi pa napupuksa ang virus.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspInanunsiyo ng Kyoto ang kanilang panawagan para mapasama sa state of emergency ang kanilang lugar

Napag-desisyonan ng prepektura ng Kyoto at lungsod ng Kyoto sa western Japan na ilagay din ng central government ang kanilang prepektura sa ilalim ng state of emergency dahil sa coronavirus pandemic.

Ang Gobernador ng Kyoto na si Nishiwaki Takatoshi at ang Mayor ng Lungsod ng Kyoto na si Kadokawa Daisaku ay isinagawa ang anunsiyo sa isang pag-pupulong nuong umaga ng Biyernes.

Sinabi ni Nishiwaki na ang Kyoto ay humaharap sa isang peligrosong sitwasyon na katulad nang sa Tokyo at anim pang prepektura na nasasakupan ng state of emergency na idineklara nuong Martes.

Upang maka-gawa ng hakbang upang mapigilan ang pag-kalat ng inpeksyon, sinabi ng gobernador na kinausap ng prepektura ang central government na ipasa-ilalim rin ang Kyoto sa emergency declaration.

Mayroong naitalang 165 na kaso ng coronavirus ang prepektura ng Kyoto, ang ikatlong mataas na bilang ng kaso sa buong rehiyon ng Kansai matapos ang mga prepektura ng Osaka at Hyogo na kasali sa mga lugar o prepekturang nai-deklara. Umabot ng 30 porsyento rito ang mga kumpirmadong kaso at 47 na hindi pa matukoy na impeksyon.

Nanawagan si Nishiwaki sa mga residente na huwag munang lumabas ng tahanan kung hindi importante ang dahilan. Hinihikayat niya rin ang mga negosyante na i-promote ang teleworking at gumamit ng mga anti-virus measures tulad ng disinfectant.

Nananawagan naman si Mayor Kadokawa sa mga turista na huwag munang pumunta sa Kyoto hangga’t hindi pa napupuksa ang virus.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund