Ikinukunsidera ng Tokyo na panatilihing naka-sara ang mga paaralan hanggang Mayo

Sinabi nila na plano ng lupon na panatilihing sarado ang mga paaralan hanggang sa matapos ang national spring holiday na matatapos sa ika-6 ng Mayo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIkinukunsidera ng Tokyo na panatilihing naka-sara ang mga paaralan hanggang Mayo

Ang mga awtoridad pang-edukasyon sa Tokyo ay pinag-uusapan kung dapat pa bang pansamantalang hindi buksan ang mga high school sa metropolitan hanggang unang yugto ng Mayo harapin ang nagtataas na bilang ng coronavirus infections sa kapitolyo.

Pansamantalang ipinasara ang mga paaralan nuong buwan ng Marso hanggang sa matapos ang Spring Break, bilang pag-sunod sa kautusan ni Punong Ministro Shinzo Abe upang masuplong ang coronavirus.

Ayon sa Tokyo Metropolitan Board of Education, ang preparasyon ay preparado na para sa high school upang mag-simula sa Abril, at gagawa ng hakbang upang mapigilan ang pag-kalat ng impeksyon.

Ngunit ayon sa source na malapit sa mga opisyal, maaaring ipagpa-liban muna ang pag-sisimula ng school year, dahil sa pag-dami ng bilang ng impeksyon at nananawagan ang pamahalaan ng Tokyo sa mga residente na manatili mula sa kani-kanilang tahanan.

Sinabi nila na plano ng lupon na panatilihing sarado ang mga paaralan hanggang sa matapos ang national spring holiday na matatapos sa ika-6 ng Mayo.

Ang opisyal na desisyon ay inaasahan na sa lalong madaling panahon.  Ang lupon ay kukunsiderahin ang mga patakaran at alituntunan ng national government.

Ang mga elementarya at junior high school na pinangangasiwaan ng mga lungsod, bayan, at mga board ng edukasyon sa bayan ay hihilingin na magpatupad ng mga hakbang na isinasaalang-alang ang mga lokal na pangyayari.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund