Ang Japanese carmakers na Honda at Nissan ay nag-anunsiyo ng isang malaking furlough (leave of absence) at layoffs dahil sa pag-baba ng demand sa mga sasakyan dahil sa kasalukuyang pandemic.
Ayon sa Honda, sila ay mag-bibigay ng leave of absence sa halos 18,000 mang-gagawa sa kanilang planta sa Estados Unidos. Ang nasabing pagawaan ng sasakyan ay dahan dahan nang nag-babawas ng kanilang operasyon sa kanilang walong planta sa America mula pa nuong huling yugto ng Marso. Sinabi nila na sila ay mananatiling offline hanggang May 1.
Babayaran ng Honda ang sweldo ng mga mang-gagawa hanggang kalagitnaan ng Abril. Sinabi rin ng kumpanya na matapos nito, ang mga mang-gagawa ay dapat humanap ng tulong mula sa pamahalaan.
Nag-sabi rin ang Nissan na sila ay mag-tatanggal ng mahigit 3,000 mang-gagawa, kabilang ang mga tauhan nila sa planta sa Barcelona, Spain. Napipilitang ang mga automakers na mag-sara o ihinto ang kanilang operasyon sa buong mundo dahil sa naratanasang pandemic at ito ay gumagawa ng pangamba sa magiging epekto nito sa mga employers.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation