Sinabi ng pamahalaan ng Japan na ang panahon ng pag-huhusga sa pag-deklara ng state of emergency sa pamamagitan ng epektong dala nito sa lipunan at ekonomiya.
Sinabi ng Tokyo nuong Linggo na 143 pang bagong mga kaso ang nakumpirma, isang bagong record sa kapitolyo.
Sinabi ng ministrong naka-talaga sa coronavirus measures na si NishimuraYasutoshi na ang kasalukuyang sitwasyon ay lumalala. Dinagdag niya na hindi mag aalinlangang mag deklara ng state of emergency ang pamahalaan kung kinakailangan.
Ang mga awtoridad ay gagawa din ng hakbang upang mapatupad ang mga alituntunin upang ma-prioritize ang mga pasyenteng mayroong malubhang kondisyon ng coronavirus sa mga lugar kung saan ang medical system ay peligroso. Sa Tokyo simula sa Martes, ang mga pasyenteng mayroong mild symptoms ay ililipat sa mga hotel mula sa mga ospital.
Susuportahan nila ang pag-boost na produksyon ng mga face mask at mamimigay sila ng mga cloth face mask sa mga sabahayan sa buong bansa upang pansamantalang tugunan ang kakulangan ng face mask.
Plano rin ng pamahalaan na mapag-desisyonan ang tungkol sa emergency economic package sa Martes. Kabilang dito ang pag-bibigay ng 2,800 dolyares sa mga sambahayan na ang kita ay biglang bumagsak sanhi ng COVID-19 epidemic.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation