Gobyerno sisiyasatin ang mga store na nagho-hoard ng mga mask at sapilitan ipapabenta ito sa tamang presyoo

Sinabi ng Japan noong Lunes na isinasaalang-alang nito na hilingin sa mga awtoridad ng prefecture na pilitin ang mga stores na ibenta ang posibleng mga na-hoard na masks upang "mas pagkakitaan pa ang mga ito" at kung hindi sila sumunod ay iko-confiscate ng gobyerno ang mga ito. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspGobyerno sisiyasatin ang mga store na nagho-hoard ng mga mask at sapilitan ipapabenta ito sa tamang presyoo

TOKYO

Sinabi ng Japan noong Lunes na isinasaalang-alang nito na hilingin sa mga awtoridad ng prefecture na pilitin ang mga stores na ibenta ang posibleng mga na-hoard na masks upang “mas pagkakitaan pa ang mga ito” at kung hindi sila sumunod ay iko-confiscate ng gobyerno ang mga ito.

“Kung ang mga nagpapatakbo ng negosyo ay kumita ng hindi nararapat na kita sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga masks sa mataas na presyo, o pagtatangka na i-corner ang market sa sadyang pagpigil ng pagbenta upang mas tumaas pa ang demand at patawan ito ng mas mahal na presyo, isasaalang-alang natin ang pagimbestiga sa kanila, sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, ay pipilitin sila na ibenta ang mga ito sa tamang presyo, “Sinabi ni Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga sa isang news conference.

Sa ilalim ng isang estado ng emerhensiya na ipinahayag ni Punong Ministro Shinzo Abe noong nakaraang buwan, ang mga gobyerno ng prefectural ay may kapangyarihan na gumawa ng mas matapang na mga hakbang sa upang maiwasan ang pagkalat ng bagong coronavirus, kabilang ang pagpapahintulot sa kanila na tawagan ang mga pagsara sa paaralan at mga negosyo.

Ang kakapusan ng mga maskara sa mga pharmacy at iba pang mga lugar ay bahagyang sinisi sa ilang mga operator ng negosyo na bumibili o hinohold ang pagbebenta ng mga masks dahil mas tataas ang presyo nito sa merkado.

“Kailangan nating isulong ang pagbebenta ng mga masks sa isang patas na presyo,” sabi ni Suga, ang nangungunang tagapagsalita.

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund