TOKYO
Pinagpuputol ng mga awtoridad ang 800,000 na namumulaklak na tulip sa silangang Japan upang pigilan ang mga tao na magtipon at dayuhin pa ang kanseladong taunang pagdiriwang ng mga bulaklak.
Ang mga alalahanin sa pagkalat ng coronavirus ang nagtulak sa mga opisyal na kanselahin ang taunang Sakura Tulip Festa ng taunang Chiba Prefecture – na karaniwang dinadayo ng daan-daang libong katao.
Kahit na-kansela ang taunang Tulip festival sa taong ito dahil sa Coronavirus ngunit may higit na 400 katao pa din ang pumunta kahit sarado na ito at ang mga parking area nito, sinabi ng Sakura City Tourism Association, na humantong sa kanilang desisyon na putulin ang halos 800,000 na bulaklak.
Ang Japan ay nagpalawak ng isang estado ng emerhensiya sa buong bansa upang matiyak ang pagpigil ng lumalagong pagkalat ng sakit, ngunit ang mga hakbang ay walang ligal na puwersa at mahina na ipinatupad kumpara sa ibang lugar sa mundo.
© 2020 AFP
Join the Conversation