TOKYO
Ang Punong Ministro ng Japan na si Shinzo Abe noong nakaraang linggo ay nagpahayag ng isang opisyal na state of emergency sa Tokyo, pati na rin ang mga prefecture ng Kanagawa, Chiba, Saitama, Osaka, Hyogo at Fukuoka.
Kahit na sa iba pang mga bahagi ng bansa, pinapairal din ito upang manatiling ligtas at maiwasan ang pagkalat ng coronavirus, at hiniling ni Yamagata Prefectural Governor Emiko Yoshimura sa mga residente na pigilan ang mga residente mula sa paglalabas ng prefecture.
Gayunpaman, ang isang empleyado na nasa kanyang 20’s ng isang construction company sa Yamagata Prefecture ay hindi lamang tumanggi na manatili sa kanyang bahay, ngunit namasyal pa ito sa kalapit na bayan patungong Sendai, sa Miyagi Prefecture, noong kanyang day off.
Noong nalaman ito ng kanyang boss, sinabihan siya na huwag muna siyang pumasok sa trabaho bilang pag-iingat laban sa potensyal na pagkalat ng impeksyon sa kanyang mga katrabaho. Gayunpaman, hindi pinansin ng empleyado ang kautusan at sumulpot ito kanilang job site sa Lungsod ng Yamagata noong Abril 8.
Matapos malaman ng manager, 46 taong gulang, ay pinagsusuntok niya ito sa mukha at hinampas sa ulo.
Napikon umano ang manager dahil paulit ulit itong pinagsabihan na huwag lumabas ng bahay. Inaresto siya ng mga pulis noong araw din na iyon, ang biktima naman ay walang natamong sugat at hindi napuruhan.
Join the Conversation