Ang Prime Minister Shinzo Abe at ang grupo nito ay maaaring habaan pa ang State of Emergency dahil sa coronavirus sa iba pang prepektura na nahihirapan dahil sa nararanasang pandemiko, ayon sa sinabi ng mga source nitong Biyernes.
Ang idineklarang state of emergency ay naka-takdang matapos nitong ika-6 ng Mayo, ang opisyal na pag-tatapos ng Golden Week.
“Ang pananaw ng ibang mga eksperto ay masyado pang maaga upang tapusin ang deklarasyon,” ayon sa isang government source.
“ Ang pag-papahaba nito ay hindi maiiwasan,” sabi ng isang senior official.
Sa isang pag-pupulong sa government’s coronavirus headquarters sa tanggapan ng Punong Ministro nitong Biyernes, muling nanawagan si Abe sa mga mamamayan na huwag munang lumabas sa kanilang mga tahanan at makipag-tulungan upang mabawasan ang personal interaction ng 80% sa panahon ng normal na mataong holiday period, na siayng mag-sisimula sa Miyerkules.
Inaasahang mag-dedesisyon si Abe na tapusin ang deklarasyon base sa maitatalang infection level nitong Golden Week.
“ Ngayon ang pinaka-importanteng oras upang tapusin ng maayos ang deklarasyon,” ani ni Abe sa pag-pupulong. “ Pabibilisin natin ang mga hakbang upang mabawasan ng 80% ang pakikisalamuha,” dagdag nito, pinariringgan niya ang mga negosyong patuloy pa rin ang pag-suway sa kautusan sa kabila ng pag-babawal sa mga ito sa pag-ooperate, na ito ay maaaring pangalanan at maipahiya.
Sa isang news conference na ginanap nuong araw din na iyon, iniwasan na mag-komento ni Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga ukol sa isyu na kung ang deklarasyon ay ma-eextend o hindi.
“ Ang kasalukuyang sitwasyon ay nag-babago kada minuto,” ani nito. “ Ating pag-dedesisyonan kung ito ay ma-eextend o hindi, pagka-tapos ng ika-6 ng Mayo matapos marinig ang magiging pahayag ng mga eksperto.”
Nuong nag-deklara ang pamahalaan ng state of emergency, ang nasasakupan lamang nito ay ang Tokyo, Kanagawa, Saitama, Chiba, Osaka, Hyogo at Fukuoka. Ito ay ipinalawak sa buong 47 prepektura ng bansa nuong ika-16 ng Abril, at 13 dito ay minarkahang “special vigilance.”
“ Mas kailangan na hawakan ang 13 prepektura ng naka-hiwalay mula sa ibang prepektura,” pahayag ng isang senior official.
Sa pag-pupulong, sinabi ni Abe na ang pamahalaan ay mag-bibigay ng 15 milyong surgical masks, 1.5 milyong high-performance masks, 1.3 milyong medical gowns at 1.9 face shields sa mga medikal na pasilidad sa buong bansa bago matapos ang nuwan.
Napag-alaman na ang novel coronavirus ay mayroong incubation perion ng lima hanggang 14 araw.
Source and Image: Japan Times
Join the Conversation