8 pang kaso ng sakit na coronavirus ang nakita sa isang hostess club

Ang bata ang ika-walo na nahawaan na may koneksyon sa club, ang kabuoang total ay umabot na sa 18 katao. Nuong nakaraang Linggo, sinabi ng lunsod na 3 empleyado at 4 na lalaking kostumer ay nag-positibo sa pag-susuri.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

GIFU (TR) – 8 pang katao na konektado sa isang hostess club sa Gifu City ang naging positibo sa pag-susuri sa novel coronavirus, ayon sa pamahalaan ng lunsod nuong Linggo, mula sa ulat ng NHK (April 5).

Ayon sa lunsod, 7 lalaki at isang babaeng empleyado ng club Charme, sa Yanagase shopping district ang naging positibo ang resulta mula sa isinagawang pag-susuri sa coronavirus, na siyang dahilan ng sakit na Covid-19.

Ayon sa lunsod, ang pitong katao ay nagpapakita ng kung hindi kaunti ay walang sintomas ng Covid-19.

Nuong Sabado, inanunsiyo ng Gifu University na 3 sa kanilang lalaking doktor mula sa Gifu University Hospital na bumisita sa nasabing club nuong ika-26 ng Marso ay nag-positibo rin ang resulta mula sa pag-susuri.

Dinagdag din ng lunsod na ang anak ng isa sa doktor na wala pang isang taong gulang ay nag-positibo rin. Ang batang babae ay hindi rin magpapa-kita ng sintomas ng Covid-19.

18 katao na may koneksyon sa isang hostess club sa Gifu City ang nag-positibo sa pag susuri sa novel coronavirus.

Ang bata ang ika-walo na nahawaan na may koneksyon sa club, ang kabuoang total ay umabot na sa 18 katao. Nuong nakaraang Linggo, sinabi ng lunsod na 3 empleyado at 4 na lalaking kostumer ay nag-positibo sa pag-susuri.

Plano ng lunsod na ipasuri ang 4 pang empleyado ang 30 katao na direktang nag-sadya upang sabihin na sila ay nag-punta sa nasabing club.

Ayon sa datos mula sa Ministry of Health, Labor at Welfare, ang bilang ng mga nahawaan ng coronavirus infections sa Japan ay nadagdagan ng 360 nitong Linggo lamang. Ang sumatotal na bilang ay aabot na sa 4,570.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund