OSAKA- inaresto ng mga awtoridad sa Minoh, Osaka Prefecture ang isang 44 anyos na ginang sa kasong dangerous driving resulting in death matapos nitong mabundol at mapatay ang 77 anyos na ginang gamit ang kanyang Station Wagon.
Ayon sa mga pulis, ang insidente ay naganap bandang alas-10:20 ng umaga nitong Sabado, mula sa ulat ng Sankei Shimbun. Ang biktimang si Kanako Sawada ay tumatawid sa T-junction na walang ilaw nang siya ay mabundol ng isang Station Wagon na pa-kanan. Ang biktima ay agad na dinala sa ospital kung saan siya idineklarang wala ng buhay.
Ayon sa mga pulis, ang drayber na nag-tatrabaho bilang isang part-time worker mula sa Kobe ay inamin ang ipina-paratang sa kanya. Sinabi umano ng drayber na hindi siya masyadong nag-bigay ng atensyon sa kanyang pag-liko, tsaka na lamang niya namalayan na siya ay may nabundol na.
Source: Japan Today
Image: Image Bank
Join the Conversation