Share
Sa pagkalat ng bagong coronavirus sa Estados Unidos, isang bagong panganak na sanggol ang namatay mula sa isang impeksyon sanhi ng bagong coronavirus sa silangang Connecticut.
Ayon sa lokal na media, ang sanggol ay pitong linggong gulang na batang babae, dinala ito sa ospital ng walang malay at tuluyan nang pumanaw. Kalaunan ay nakumpirma na ito ay nahawaan ng bagong coronavirus.
“Ang trahedya ay naganap sa Connecticut. Maaaring ito ang pinaka-batang binawian ng buhay sanhi ng bagong coronavirus,” ayon sa gobernador ng Connecticut na si Gov. Ned Lamont nuong Miyerkules.
Source and Image: NHK Japan
Join the Conversation