18 na trainee doctors binalewala ang ban sa kanila na kumain sa labas, nag positibo sa virus

18 na mga trainee doctors sa isang ospital sa Tokyo ang nag positibo sa coronavirus matapos kumain sa isang restaurant kasama ang 40 katao, binalewala nila ang paulit-ulit na sabi sa kanila na huwag sumali sa mga naturang pagtitipon #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp18 na trainee doctors binalewala ang ban sa kanila na kumain sa labas, nag positibo sa virus

TOKYO

18 na mga trainee doctors sa isang ospital sa Tokyo ang nag positibo sa coronavirus matapos kumain sa isang restaurant kasama ang 40 katao, binalewala nila ang paulit-ulit na sabi sa kanila na huwag sumali sa mga naturang pagtitipon, ayon sa ospital noong Lunes.

Sinabi ng Keio University Hospital, isang doktor muna ang nag positibo para sa coronavirus noong Marso 31, at sa mga kasunod na mga test ay natagpuan na may 17 na higit pang mga impeksyon sa loob ng 99 na mga trainee na doktor ng ospital.

“Ito ay isang hindi katanggap tanggap na mga reckless action para sa isang medical team na dapat ay protektahan ang mga pasyente. Humihingi po kami ng taos pusong paumanhin,” sinabi ni Yuko Kitagawa, pinuno ng ospital, sa isang pahayag.

Inatasan ang 99 na mga trainee na doktor na manatili sa bahay nang dalawang linggo. Para mag self quarantine. Ngunit lumabas pa din ang ilan para magtipon tipon.

Ang mga tao sa Japan ay hinikayat na manatili sa bahay at iwasan ang mga pampublikong pagtitipon upang maiwasan ang karagdagang pagkalat ng virus.

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund