Noong April 17, ang person in charge sa Life Assistance Benefits Office ng Ministry of Internal Affairs and Communications ay na-interview ng Japanese version ng Huff Post, tungkol sa planong pag bigay ng cash payout na 100,000 yen kada citizen at ibabase ito bilang “fixed benefit” na katulad ng naisagawa noong 2009 matapos ang Lehman shock.
Ayon sa kanila, ang fixed benefit ay kasamang mabibigyan ang mga foreigners at masasakop sa Basic Resident Register system, ang polisiya ay ang 100,000 yen benefit ay ibibigay sa “lahat ng tao na naka-register sa Basic Resident Register”, pati na din ang mga foreigners na naka-register dito. ”
Bukod pa dito, kahit anong nasyonalidad, iniisip din ng mga opisyal na isama sa benefit ang mga taong nakatira sa ibang lugar bukod sa naka register na address sa Basic Resident Register ng dahil sa kanilang trabaho o nag-aaral sa ibang lugar.
Source: Huffpost
Join the Conversation