Habang ang coronavirus pandemic ay patuloy na lumalaki, sinabi ng World Health Organization upang mapigilan ang virus, kailangang malaman ng mga bansa kung hanggang saan umabot ang pagkalat nito. Ang director-general ng ahensya ay hinihimok ang lahat ng mga bansa na suriin maigi ang bawat hinihinalang kaso.
Ang mga komento ay dumating ng dumami ang bilang ng mga virus infection sa labas ng Mainland China ay lumampas na sa mga kaso na nakumpirma sa bansa.
Ayon sa WHO noong Lunes, hindi bababa sa 167,000 katao ang nagka virus sa buong mundo. Mahigit sa 6,600 ang namatay.
Habang ang outbreak sa Italya ay patuloy na lumalaki, mas maraming mga bansa sa Europa ang nagsusulong ng mga pagsisikap na isolation sa mga sarili.
Sinabi ng Pangulong Pranses na si Emmanuel Macron na ang kanilang bansa ay nakikipagdigma laban sa isang hindi nakikitang kaaway. Iniutos niya sa mga tao na manatili sa bahay sa susunod na 15 araw at umalis lamang kung kinakailangan. Mayroong parusa para sa mga lumalabag.
Hinikayat ng Punong Ministro ng British na si Boris Johnson ang mga tao na iwasan ang mga hindi kinakailangang paglalakbay, pampublikong pagtitipon at masikip na mga lugar kasama ang mga pub, restawran at sinehan.
Ang European Union ay naiulat na isinasaalang-alang ang isang 30-araw na pag-ban sa pagpasok habang ang mga myembro ng bansa ay mas mahigpit ang mga kontrol sa border.
Pinagbawal ng Alemanya ang mga tao mula sa limang mga bansa kasama ang Pransya at Switzerland mula sa pagtawid ng border nito. Ang pagbabawal ay hindi nakakaapekto sa araw-araw na mga commuter o kalakalan.
Sinabi ng Russia na pagbawalan ang halos lahat ng mga dayuhan na pumasok sa bansa mula Miyerkules hanggang simula ng Mayo.
Ang Czech Republic, Switzerland at Spain ay naglalagay din ng mga paghihigpit sa mga kalapit na bansa.
Join the Conversation