Halos iniwasan ng mga tao ang pumunta sa mga cherry blossom viewing spot sa Osaka, western Japan nitong Linggo. Hinimok ng gobernador ng Osaka ang mga mamamayan ng prepektura na manatili muna sa kani-kanilang tahanan ngayong weekend upang makatulong na huwag kumalat ang coronavirus.
Nag-paskil ang Osaka Castle Park ng babala na huwag magsa-gawa ng pag-sasalo salo sa parke. May ilan-ilan na bumisitang tao na nakasuot ng mask upang pag-masdan ang mga bulaklak at mag-lakad lakad.
Isang lokal na residente sa lugar na nasa kanyang 70’s ang nag-sabi na napag-desisyonan niyang lumabas at maglakad-lakad dahil hindi umano maganda sa kanyang kalusugan ang manatili sa loob ng kanyang tahanan. Palagi umano siyang nag-lalatag ng plastic na banig sa ilalim ng mga puno upang mapag-masdan ang mga bulaklak habang nakahiga at nalulungkot siya dahil hindi niya ito magagawa ngayong taon.
Isang pang ginoo na nasa kanyang 70’s ang nag-sabi na ikinukunsidera na niyang ipasarado ang kanyang electrical appliance store sa Osaka City, dahil bumagsak ang benta ngayong buwan. Sinabi niya na nais niyang matanaw ang mga cherry blossoms dahil siya ay na de-depress kapag siya ay nanatili sa bahay.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation