TOKYO- ayon sa Toyota Motor Corp nuong Linggo na isususpende nila ang produksyon ng kanilang production line sa isang planta na malapit sa kanilang headquarters sa Japan mula pa nuong Miyerkules, matapos maging positibo ang isang mangagawa sa COVID-19 virus.
Sa isang statement, ang Japanese automaker ay nag-sabi na isang empleyado sa kanipang plantasyon sa Takaoka sa Toyota City, Aichi Prefecture ay naging positibo matapos suriin ukol sa virus, ito ay matapos maianunsyo ang kanilang unang kaso ng impeksyon sa planta nuong Huwebes.
Sinabi ng Toyota na ang dalawang empleyado ay nag-trabaho nang magka-tabi at sinabihan na rin nila ang iba pang 33 empleyado na naka-salamuha ng 2 sa kanilang trabahuhan na pansamantalang manatili sa kanilang mga tahanan.
Source: Japan Today
Image: Reuters
Join the Conversation