Ipapagpa-tuloy ng Tokyo Metropolitan Government ang planong pakikiusap sa mga residente na pansamantalang ipagpa-tuloy ang kanilang pag tatrabaho mula sa kanilang mga tahanan at iwasan munang lumabas sa weekend upang makatulong sa pag-iwas sa pagkalat ng coronavirus.
Ang kahilingan na ito ng gobyerno ay mananatili hanggang April 12. Ikinansela at ipinagpa-liban na ng gobyerno ng Tokyo ang lahat ng major events na naka-schedule sa mga panahong ito.
Ibinaba ni Governor Yuriko Koike ang kahilingan nitong Miyerkules. Hinikayat niya rin ang mga tao na umiwas lumabas ngayong weekend.
Nagbabala ang mga opisyal ng Tokyo na ang kapital ay nasa isang kritikal na pag-iwas sa pagpigil sa isang malawak na pagkalat ng virus.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation