Share
Dahil sa pagsilklab ng coronavirus sa Japan, ang operator ng Tokyo Disney Resort ay nagdesiyon na isara pamsamantala ang theme park mula sa Sabado.
Ang Tokyo Disneyland at Tokyo DisneySea ay mananatiling nakasara hanggang Marso 15.
Sa isang anunsyo noong Biyernes, ipinaliwanag ng Oriental Land ang desisyon na ginawa ay upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.
Nabanggit nito ang panawagan ng gobyerno ng Japan para sa mga negosyo na kanselahin o ipagpaliban ang mga kaganapan na pinupuntahan ng maraming tao sa susunod na 2 linggo.
Sinabi ng kumpanya na ang plano nitong buksan muli ang mga parke sa Marso 16 ay maaaring depende pa rin sa mga pangyayari sa kasalukuyang problema ng bansa ukol sa corona virus.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation