Ang mga magsasaka ng rosas sa Tokushima Prefecture, kanlurang Japan, matinding naapektuhan sa pamamagitan ng bagsak ang demand at pagbaba ng presyo ng mga bulaklak sa gitna ng pagkalat ng bagong coronavirus.
Bumaba ang demand ng mga rosas dahil sa mga nagkansela at nagpaliban ng mga pagdiriwang.
Ang Rose Garden sa bayan ng Kaiyo ay nakakapagpatubo ng mga 80 mga species ng rosas, at nakakapag ship out sa barko ng halos 2.3 milyong bulaklak taun-taon.
Sinabi ni Pangulong Kazuhito Okamatsu na dapat sa panahong ito, ang mga tao ay abala na sa mga pagtatapos sa paaralan at mga seremonya ng kasal, pati na rin ang paalam at iba’t iba pang klase ng pagdiriwang. Sa mga panahong ito ang presyo ng rosas ay umaabot sa 2 dolyar bawat isa.
70 porsyento ang ibinaba sa demanda ng mga rosas sa ngayon.
Inihayag ni Okamatsu ang pag-aalala na kung ang sitwasyon ay magpapatuloy hanggang sa susunod na mga buwan, ang kanyang negosyo ay malubhang maapektuhan.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation