Ang lahat ng paglalakbay patungo at mula sa Maynila ay ipinagbawal mula sa Linggo. Malinaw na inihayag ng Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte ang mga paghihigpit sa paglalakbay noong Huwebes upang mapigilan at wakasan ang pagkalat ng bagong coronavirus.
Ipinatigil ni Duterte ang lahat ng paglalakbay sa lupa, dagat, at paglalakbay sa himpapawid papunta at mula sa kapital ng Pilipinas sa loob ng isang buwan hanggang Abril 14.
Sinabi ng gobyerno na ang mga medikal na propesyonal at ang mga taong nakatira lamang o nagtatrabaho sa Maynila ang hindi saklaw ng travel ban.
Humigit-kumulang 40,000 pulis ang na-deploy upang mag-checkpoint sa mga kalsada na patungo sa Maynila. Ang mga site ng inspeksyon ay nagsisimula sa hatinggabi sa lokal na oras.
Sa isang checkpoint sa highway mula sa kalapit na Lalawigan ng Cavite, humigit-kumulang 20 pulis ang nagpapa-hinto sa bawat sasakyan upang suriin ang mga ID ng mga pasahero at layunin ng kanilang paglalakbay.
Pinag-mamasdan din ng mga opisyal ang mga taong may mga sintomas ng bagong coronavirus, tulad ng lagnat at ubo.
Ang mga sasakyan ay naipon at gumawa ng isang mahabang pila kahit na sa dis-oras ng gabi.
Isang driver naman ang nagreklamo na ang trabaho ay tumatagal dahil sa checkpoint.
Ayon sa gobyerno na hahabaan pa ang restriction period kung ang bilang ng mga na-impeksyon ay tumataas.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation