Rumaraming kaso ng Coronavirus, kinumpirma ng Japan.

Mahigit 311 katao na ang gumaling at lumabas na ng ospital nuon o bago pa sumapit ang araw ng Biyernes.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspRumaraming kaso ng Coronavirus, kinumpirma ng Japan.

Ang bilang ng coronavirus infections sa Japan ay tumaas ng 456 ngayong alas-8:00 ng gabi nitong Linggo. Bilang karagdagan sa bilang, 696 katao na lulan ng Diamond Princess cruise ship ang na-hawa, 14 kaso nito ang nakumpirma mula sa mga taong lulan ng mga chartered flights mula Hubei Province ng China.

Ang mga nai-listang bilang ay mula sa datos na pinag-sama sama ng Health Ministry at lokal na pamahalaan.

14 katao na ang binawian ng buhay, 7 rito ay pasahero mula sa cruise ship.

Kung bibilangin ayon sa prepektura, ang Hokkaido ang may pinaka-maraming kaso sa bilang na 101, sinundan ng Aichi sa bilang na 70, at Tokyo sa bilang na 64. Ang Kanagawa at Osaka ay mayroong parehong bilang na 41.

Mayroong din nahawang 11 katao mula sa Health Ministry at quarantine officials.

Ayon sa Health Ministry na nitong Biyernes, 61 pasyente ang nasa malubhang kalagayan at ito ay mga naka-respirators o ginagamot sa Intensive Care Unit (ICU). 31 rito ay mula sa cruise ship.

Mahigit 311 katao na ang gumaling at lumabas na ng ospital nuon o bago pa sumapit ang araw ng Biyernes.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund