TOKYO
Ngayon na inutos ni Punong Ministro Abe ang mga paaralan ng Japan na isara at ang mga tourist spots tulad ng Disneyland at ang Ghibli Museum ay pansamantalang ngasara, ang mga alalahanin at takot hinggil sa lumalagong pagkalat ng coronavirus ay patuloy na tumitindi sa Japan.
Sa isang train sa Yamanote line, nag-away ang dalawang pasahero dahil umubo ang isang lalaki na hindi naka-mask, kinumpronta ng matandang lalaki at doon na nagsimula ang away.
Nakunan naman ng video ang eksena sa loob ng train at naipost ito sa twitter.
Panoorin ang video dito:
https://youtu.be/X8OBAmqSUTs
Pinagsabihan umano ng matanda ang lalaki na huwag umubo ng walang mask, pero babalang na sumagot ang lalaki kaya sumiklab ang pag aaway at pagmumurahan ng dalawa.
Inawat naman sila ng dalawang babae at wala namang pisikal na sakitan na nangyari.
Join the Conversation