Ang pagsasara ng mga paaralan sa buong Japan upang maiwasan ang pagkalat ng bagong coronavirus ay naging dahilan upang mas lalong maging abala ang mga pasilidad sa nangangalaga sa mga bata.
Hiniling ni Punong Ministro Shinzo Abe sa mga lokal na pamahalaan na pansamantalang isara ang mga paaralan mula Lunes hanggang sa pagsisimula ng spring break sa Marso.
Ang isang pasilidad ng pangangalaga ng bata sa Koto Ward ng Tokyo ay bukas ng alas-8:30 ng umaga, limang oras nang mas maaga kaysa sa regular na oras, nitong Lunes.
Siyam na bata ang dumating at naghugas sila ng kamay at kinuha ang kanilang mga temperatura bago nila sinimulan ang kanilang mga takdang-aralin.
Sinabi ng isang ina sa kanyang edad na 40 na natutuwa siyang bukas ang pasilidad sa umaga dahil ang teleworking ay hindi nya kinonsidera na isang opsyon.
Ang pasilidad ng pangangalaga sa bata ay may apat na karagdagang mga manggagawa nitong Lunes. Ang manager, si Noriko Takasaka, ay nagsabi na nakahanap sila ng karagdagang mga kawani mula sa ibang pasilidad na pinamamahalaan ng Koto Ward, ngunit ang iba pang mga daycare center ay nahirapan sa paghahanap ng mga karagdagang manggagawa.
Dagdag pa ni Takasaka, siya at ang kanyang mga tauhan ay mag-iingat ng pangangalaga upang maprotektahan ang mga bata mula sa mga impeksyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation