Nag-aalok ang mga pangunahing Japanese airlines ng libreng kanselasyon ng mga ticket

2 sa major Japanese Airlines ang nag-aalok ng libreng refund para sa lahat ng mga tiket na kinansela dahil sa pangamba tungkol sa coronavirus.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNag-aalok ang mga pangunahing Japanese airlines ng libreng kanselasyon ng mga ticket

Ang dalawang pinakamalaking airlines ng Japan ay mag-aalok ng mga refund para sa lahat ng mga tiket na kinansela dahil sa pangamba tungkol sa coronavirus.

Ang Nippon Airways at Japan Airlines ay nagpasya habang mababa ang trapiko ng mga pasahero. Kasunod nito ang kahilingan ng gobyerno na kanselahin o ipagpaliban ng mga paglalakbay.

Ang mga refund ay nalalapat sa lahat ng mga domestic at international flight na naka-iskedyul hanggang Marso 19.
Ito ay na- extend dahil sa mga flight sa China. Tatanggapin ng JAL ang mga pagkansela hanggang Abril 20 habang ang ANA naman ay tatanggap hanggang Abril 30.

Inihayag ng dalawang airlines ang isang patakaran sa libreng pagkansela noong nakaraang linggo para sa mga domestic flight lamang. Ngunit idinamay na din pati sa mga international flights bilang tugon sa mga kahilingan ng customer.

Ang mga refund ay pinoproseso sa pamamagitan ng mga website ng kumpanya, counter ng paliparan, at pagtawag sa telepono.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund