Ang mga opisyal ng gobyerno ng Japan ay naghahanda na magpadala ng higit sa 2.5 milyong mga face mask mula sa kanilang stockpile para sa medikal at iba pang mga pasilidad na nahaharap sa isang malubhang kakapusan dahil sa pag-laganap ng coronavirus.
Nagpasya ang pamahalaan na ilabas ang mga mask na nasa 6.4 milyon na stock sa mga ministry at ahensya upang gamitin kung sakaling magkaroon ng mga sakuna o iba pang mga emergency.
Ang mga mask ay kinulekta sa isang bodega sa Tokyo. Ang mga stock ng Ministry ay dumating noong Huwebes, kasama ang mga tauhan ng Self-Defense Force na nag-load ng mga kahon na naglalaman ng 2,000 mask bawat isa mula sa mga trak.
Ang mga mask ay dapat ma-ibigay sa mga ospital at pasilidad na mga nursing care sa pamamagitan ng mga lokal na gobyerno ng prepektura.
Uumpisahan na ang trabaho ng paghahatid ngayong linggo.
Mahigit isang buwan na nang kumonti ang supply ng mask, sa kabila nang pangako ng gobyerno na sisiguraduhin ang higit sa 600 milyon, kabilang ang mga pag-import, nitong Marso.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation