Napag-alaman ng NHK ang ilang detalye ukol sa ikalawang emergency package ng gobyerno ng Japan na laanan ng tamang budget ang mga programa at magsa-gawa ng bagong patakaran na konektado sa pag-laganap ng coronavirus.
Ayon sa isang source, ang isang hakbang ay ang mag-bigay na sapat na budget upang maipag-buti ang pagkakaroon ng agarang pag-susuri sa sakit/ virus.
Maglalaan ng pera sa mga paalagaan ng bata upang ang mga ito ay maka-bili ng mga disinfectants upang malinis nilang mabuti o ma-sterilize nila ang kanilang pasilidad.
Ipinag-babawal at ipinapa-tigil din ang muling pag-bebenta ng mga surgical mask, sila rin ay mag-bibigay ng pinansyal na tulong sa mga pagawaan ng mask upang madoble ang produksyon.
Nakasaad rin sa outlines ng package ay mag-bigay ng assistance sa mga magulang na lumiban sa trabaho dahil sa pansamantalang pagpapa-tigil ng mga paaralan sa buong bansa.
Sinabi ng mga opisyal na sila ang mag-cover ng refund ng ipinambayad sa school lunch ng bata. Sila rin ay tutulong upang mabawasan ang mga itatapong pagkain dahil sa pagka-kansela ng mga pagkain. Sila ay mag-hahanap ng mga bibili ng mga gulay at prutas.
Pasok din ang pinansyal na tulong para sa mga maliliit at hindi kalakihang kumpanya na nagsa-gawa ng teleworking.
Plano rin ng mga opisyales na mag-alok ng mga espesyal na loan o utang na hindi papatawan ng interest at walang nirerequire na collateral. Ang nasabing alok ay para sa mga maliliit na kumpanya, pansariling pangkabuhayan at mga freelancer na malubhang tinaman ng epekto sa ekonomiya sanhi ng nasabing pag-laganap ng sakit.
Susuportahan rin ng mga opisyales ang mga businesses na nag-iinvest sa mga pasilidad at mga kagamitan o pag-sasa ayos ng kanilang sales channels. Upang maka-tulong sa pagpapa-gaan ng apekto ng pag-laganap ng sakit sa supply chain.
Inirerekomenda rin ng nasabing package ang pag-bibigay ng extension para sa pag-rerenwe ng driver’s license at ang mandatory na pag-sasanay ng mga care-givers upang ma-renew ang kanilang lisensya.
Upang ma-suportahan ang pag-babayad sa nabanggit na programa, planong galawin ng gobyerno ang reserbang pondo na nagkaka-halagang 2.6 billion dollars para sa kasalukuyang mag-tatapos na taon ngayong katapusan ng buwan.
Isang government task force ang mag-dedesisyon ukol sa package ngayong Martes.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation