Mga isinaradong paaralan sa lunsod ng Hokkaido, nag-bibigay serbisyo para sa pangangalaga ng bata

Ang hakbang na ginawa ng Ishikari City ay naka-tuon upang matulungan ang mga magulang na nahihirapan bantayan ang kanilang mga anak habang sila ay nasa trabaho.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga isinaradong paaralan sa lunsod ng Hokkaido, nag-bibigay serbisyo para sa pangangalaga ng bata

Isang lunsod sa Hokkaido sa northern prefecture ng Japan ang nag-simula nang gamitin ang mga paaralan upang gawing pansamantalang paalagaan ng bata habang pansamantalang isinara ang mga paaralan dahil sa pag-laganap ng coronavirus.

Ang hakbang na ginawa ng Ishikari City ay naka-tuon upang matulungan ang mga magulang na nahihirapan bantayan ang kanilang mga anak habang sila ay nasa trabaho.

Ang ibang mga magulang ay napilitang lumiban sa trabaho upang mabantayan ang kanilang anak dahil sa biglaang pag-tatapos ng eskwela ng mga bata nito nakaraang buwan.

Nuong Lunes, ang lunsod ay nag-bukas ng ilang elementary schools upang tumanggap ng mga estudyanteng nasa ika-1 Baitang hanggang ika-3 Baitang. Ang mga bata ay mananatili sa paaralan mula alas-8:15 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon sa weekdays hanggang March 24, kung ang mga ito ay walang makakasama sa kanilang tahanan.

Isang ginang ang nag-dala sa kanyang Gr. 1 na anak sa paaralan nuong Lunes ang nag-sabi na, sa wakas makakapasok na akong muli sa trabaho matapos mag-bantay ng 2 linggo sa aking anak.

May mga pag-iingat na ginagawa upang hindi lumaganap ang virus sa loob ng silid-aralan. Ang mga mag-aaral ay pinauupo na mayroong mahigit 1 metro ang layo sa bawat isa.

Nag-sabi ang isang 1st grader na estudyante na siya ay masaya dahil muli na niyang makikita ang kanyang mga kaibigan matapos ang mahabang pag-liban sa paaralan.

Maagang sinuspinde ang mga paaralan sa Hokkaido kaysa sa ibang mga paaralan sa ibang parte ng bansa dahil sa mabilis na pag-laganap ng impeksyon nuong nakaraang buwan sa nasabing rehiyon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund