TOKYO (TR) –inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang matandang lalaki dahil sa pag-vandal sa isang gusali na pag-aari ng gobyerno sa Kasumigaseki Area ng Chiyoda Ward nitong Martes, mula sa ulat ng Kyodo News (Mar. 25).
Bandang ala-1:30 ng hapon, isang guwardiya ng gusali kabilang ang opisina ng Health and Environment Ministries ang umalerto sa mga pulis ukol sa “pulang pintura na naka-saboy sa signboard.”
Nahuli naman agad ng mga awtoridad mula sa Marunouchi Police Station ang lalaki (nasa edarang 70 anyos) nang sila ay rumesponde sa tawag.
Umamin naman sa paratang laban sa kanya lalaki matapos mahuli sa kasong Minor Offenses Acts. “Ako a hindi nasasayahan sa pension system ng bansa. ” ani nito sa mga pulis.
Nuong nakaraang linggo, itim na pintura naman ang isinaboy sa isang gusali kung saan naroon ang Internal Affairs Ministry. Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente at kung ito ay mayroong koneksyon.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation