Isang pagbabawal sa Japan ang mask resale na may presyong mas mataas sa orihinal. Ito ay mag-uumpisa mula Linggo.
Inaprubahan ng pamahalaan ang panukala, dahil ang mga maskara kumonti ang supply sa gitna ng pag-laganap ng coronavirus.
Ang lalabag ay haharap sa mga parusa ng hanggang sa isang taon sa pagka-bilanggo o multa na isang milyong yen o 9,700 dolyar.
Naniniwala ang mga opisyal na ang pamamakyaw ng mga maskara para sa pagbebenta nito na dobleng presyo online ay naging sanhi ng kakulangan ng mga ito. Ang mga medical at nursing care facilities ay ang mga kabilang sa mga direktang naapektuhan.
Ang ordinansa ng gobyerno ay ang pag-babawal ng pagbebenta ng mga maskara ng mga indibidwal at negosyo sa mga presyo na mas mataas kaysa sa orihinal na presyo.
Ang panukalang-batas ay para sa mga on line selling, sa pamamagitan ng marketplace application.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation