Mag-ingat sa mga fake news tungkol sa Coronavirus

Dahil hindi pa nabubuo ang mga epektibong countermeasures at remedyo para sa coronavirus, ang mga tao ay madaling maniwala sa fake news at impormasyon lalo na kapag ito ay nag-aalok ng kaunting pahiwatig ng isang solusyon. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMag-ingat sa mga fake news tungkol sa Coronavirus

TOKYO – Ang mga maling tsismis at pekeng balita ay kumakalat sa gitna ng pandaigdigang pagsiklab ng bagong coronavirus. Si Kazuhiro Taira, isang propesor ng teorya ng media sa J.F. Oberlin University sa kabisera, ay sumagot sa mga tanong ng Mainichi Shimbun tungkol sa mga dahilan sa likod ng pagkalat ng maling impormasyon at kung ano ang maaaring gawin ng mga indibidwal upang maiwasan ito.

Dahil hindi pa nabubuo ang mga epektibong countermeasures at remedyo para sa bagong coronavirus, ang mga tao ay madaling maniwala sa impormasyon lalo na kapag ito ay nag-aalok ng kaunting pahiwatig ng isang solusyon.

Ang mga maling tsismis ay kumalat lalo na dahil sa ganitong uri ng pagkabalisa at takot ng mga tao sa mga bagay na wala pang kasiguraduhan. Lalo na sa Japan kung saan ang hinaharap na prospect ay nagiging lalong hindi sigurado dahil sa biglaang pagsara ng lahat ng mga paaralan at iba pang mga establishments, nagkakaroon lalo ng panic.

Ang pinakamainam na gawin ay alamin ang source ng binabasa o narinig na balita. Siguraduhin na ito ay galing sa maaasahan source bago paniwalaan ang mga balita. Isa din dito ay iwasan ang pag share o pag retweet at repost kung hindi sigurado na ito ay galing sa maasahang source o di kaya tama ang mga ito.

Source: Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund