SAITAMA (TR) – inaresto ng Saitama Prefectural Police nitong buwan ang mag-asawa mula sa lunsod ng Ina sa suspetsang pag- papabaya sa kanilang namatay na 4 na taong gulang na anak na babae dalawang taon na ang naka-lilipas, ayon sa ulat ng Jiji Press (Mar. 6).
Namatay si Kokoro sanhi ng hypothermia nuong ika-12 ng Disyembre taong 2017. Isang pag-susuri sa katawan ng biktima ang nagpa-kita na ito ay malnourished.
Nuong ika-6 ng Marso, inakusahan ng mga awtoridad ang self-employed na si Yuki Iwai, 30 anyos at ang kanyang may-bahay na si Masami, 28 anyos sa salang pag-papabaya ng taga-pangalaga na nag-resulta sa pag-panaw ng bata.
Ani ng mga pulis na alam umano ng mga magulang na may kakulangan sa malnutrisyon ang bata ngunit hindi gumawa ng hakbang para mapa-gamot ang bata.
Hindi binanggit ng mga pulis kung ang 2 suspek ay umamin sa mga ipinararatang sa kanila.
Muntikan nang malunod
Bandang alas-4:00 ng hapon nuong ika-21 ng Disyembre, 2017 muntikan nang malunod si Kokoro habang naliligo kasama si Masumi. Biglang tumigil sa pag-hinga ang batang babae. Kinalaunan, ang bata ay kinumpirmang wala ng buhay sa ospital.
Sinabi rin ng mga pulis na maraming sugat sa katawan si Kokoro,kung ssan ang mga awtoridad ay nag-suspetsa na ang bata ay nakakaranas ng regular na pang-aabuso.
Bago pa maaresto nang dalawa, sinabi ng mag-asawa sa TBS News na napapalo nila ang bata bilang “pag-didisiplina sa bahay.” Ngunit, sinabi ni Masumi na siya ang responsable sa pangangalaga ng bata at sa kabahayan, ” Ako ay na-iistress dahil hindi naman tumutulong ang aking asawa sa bahay.” ani nito.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation