Ang mga live na musika o konsyerto ay maaaring naging dahilan ng pagkalat ng virus sa Osaka.
Hinala ng mga opisyal ng Prepektura ng Osaka na maraming apektado ng virus ay maaaring nangyari sa pangalawang live na konsyerto sa rehiyon. Ito ay karagdagan sa isang club sa prefecture na pinaghihinalaang mayroon ding virus.
Inihayag ng mga opisyal noong Miyerkules na siyam na higit pang mga kalalakihan at kababaihan, mula sa kanilang 30s hanggang 70s, sa prefecture ay nakumpirma na mayroong virus. Ayon naman sa kanila na wala sa kanila ang nasa malubhang kondisyon.
Sinabi ng mga opisyal na 3 sa kanila ang dumalo sa mga konsyerto sa isang club sa prefecture noong nakaraang buwan kung saan pinaghihinalaang ang kaunaunahang apektado ng corona virus.
Mga 15 katao ang dumalo sa mga konsyerto noong nakaraang buwan at nakumpirma na nahawahan noong Miyerkules, na may mga kaso na naiulat sa Kyoto, Tokyo, at Kumamoto Prefecture.
Isang tao na nasa edad na 30 na apektado ng corona virus ay dumalo din sa dalawang konsiyerto sa sa Osaka noong nakaraang buwan.
Sinabi pa ng mga opisyal na 4 na tao din ang nakumpirma na nahawahan ay dumalo din sa isa o higit sa tatlong mga konsiyerto na ginanap sa club.
Ang mga konsiyerto ay dinadaluhan ng 170 hanggang 180 katao.
Nanawagan ang mga opisyal ng Prefecture sa mga taong nahawahan ng virus na makipag-ugnayan sa mga consultation centers.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation