Last crew members nakalabas na ng cruise ship sa Yokohama port

Ang huling grupo ng halos 130 na mga crew ay bumaba na ng Diamond Princess noong Linggo. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO

Ang huling grupo ng halos 130 na mga crew ay bumaba na ng Diamond Princess noong Linggo.

Sinabi ng Ministro ng Kalusugan ng Japan na si Katsunobu Kato sa isang kumperensya ng balita na ang barko ay wala ng laman at handa na para sa inspection at sterilization upang maghanda para sa susunod na paglalakbay. Hindi siya nagbigay ng timeline para dito.

Sinabi ni Kato na iimbestigahan ng gobyerno ang palpak na paghandle ipang ma-contain ang virus sa cruise ship. “Dapat nating siyasatin ang kaso upang hindi na tayo magpalawak muli ng impeksyon sa mga susunod na panahon,” aniya.

Sinabi ng opisyal ng Japan na ang mga crew nito na 70 na mga Indonesian ng Diamond Princess ay sumakay ng bus papunta sa paliparan ng Haneda ng Tokyo, kung saan isasakay sila sa isang chartered flight ng gobyerno ng Indonesia.

Daan-daang mga dayuhang pasahero ng barko ang inilikas ng kanilang mga pamahalaan at umuwi sa mga chartered flight bago nakumpleto ang 14-araw na quarantine at testing sa virus. Mahigit isang dosenang sa kanila ang nag positibo mula ng pag-uwi nila sa kanilag bahay.

Sa Japan, humigit-kumulang 1,000 na mga pasahero ang pinayagan na umuwi sa pamamagitan ng pampublikong transportasyon sa kabila ng mga babala mula sa mga eksperto at ngayon ay nasa ilalim ng self-quarantine sa kanilang bahay. Marami sa kanila ang nakumpirma na nahawahan matapos makauwi.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund