AICHI (TR) – isang lalaki na nag-eedad na 50 sa Gamagori City ang bumisita sa 2 club matapos makumpirmang na hawaan ng novel coronavirus, ayon sa mga opisyal ng lunsod nuong Huwebes.
Bandang ala-6:00 ng hapon isang araw bago ang insidente, pinauwi umano ng isang medical personnel ang ginoo matapos makumpirmang ito ay nahawaan ng novel coronavirus, kung saan na ito ay nagiging sanhi ng sakit na kilala sa tawag na COVID-19
Ang lalaki ay dapat manatili sa kanyang pamamahay hanggang sa maka-kita ng tamang medikal na institusyon kung saan ito gagamutin. Ngunit ang lalaki ay nag-desisyon na kumuha at sumakay ng taxi papunta sa isang izakaya bar, mula sa ulat ng Fuji News Network (March 6,)
Bago umalis ng kanyang tahanan, sinabi umano ng lalaki sa isang kaanak na “mag-kakalat ako ang virus.”
Matapos nito, umalis ang lalaki sa unang pinuntahan at naglakad patungo sa isang pub na pinagtatrabahuhan ng mga kababaihan. Sa ikalawang bar, sinabi niya sa mga tao duon na “nag-positive ako (sa coronavirus). ”
Nang marinig ng staff ang pag-amin ng lalaki, agad namang inalerto ng staff ang local health center. Dumating sa lugar ang mga officers ng Gamagori Police Station na mga naka-suot ng protective suits, ngunit ang lalaki ay naka-sakay na ng taxi upang umuwi.
“Hindi ko lubos maisip,” ani ng isang staff member. “Wala akong masabi dahil galit ang nararamdaman ko.”
Ang lalaki, na walang ipinakitang sintomas ng virus ay sinuri dahil ang mga magulang nito na kasama niyang naninirahan sa kanilang tahanan ay nakumpirma rin na nahawaan ng virus.
Ayon sa lunsod, sumasailalim sa sterilization ang 2 establisyementong binisita ng lalaki. Kasalukuyang sumasailalim na rin sa pag-susuri ang mga staff at kostumer na nakasalamuha ng lalaki.
“Lubos na nakalulungkot”
Nuong Huwebes, ang lalaki ay dinala na sa isang medical institution. “Lubos na nakalulungkot na ang lalaki ay hindi nanatili sa kanyang tahanan tulad ng binilin sa kanya,” ani ng alkalde ng Gamagori na si Mayor Toshiaki Suzuki.
Sinabi ng Ministry of Health, Labor and Welfare ng Japan na as of Friday ng umaga, ang kabuoang bilang ng kaso ng nahawaan o mayroong coronavirus ay umabot na sa 1,057.
Ang nasabing bilang ay kinabibilangan ng 706 katao lulang pasahero ng Diamond Princess cruise ship na dumaong sa Yokohama Port. At nito lamang Huwebes, mayroon nang 57 kaso ng nasabing sakit sa prepektura ng Aichi.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation