Lalaking may coronavirus na pumunta sa pub para manghawa, namatay na

Namatay ang isang lalaking nahawahan ng coronavirus na lumabas upang kumain at uminom kahit siya ay naka quarantine at nagsabing "ikakalat niya ang virus" noong Miyerkules sa isang ospital sa gitnang Japan, sinabi ng mga lokal na awtoridad. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
This March 4, 2020 photo shows an infected man at a pub in Gamagori, Aichi Prefecture. (Photo courtesy of the pub operator/Kyodo)

NAGOYA (Kyodo) – Namatay ang isang lalaking nahawahan ng coronavirus na lumabas upang kumain at uminom kahit siya ay naka quarantine at nagsabing “ikakalat niya ang virus” noong Miyerkules sa isang ospital sa gitnang Japan, sinabi ng mga lokal na awtoridad.

Pagkatapos ma test na positive sa pneumonia-causing virus noong March 4, ang 57-year-old na taga Gamagori, Aichi Prefecture, ay  lumabas at uminom sa dalawang lugar noong gabi din yon kahit sinabihan siya na huwag lumabas at mag pagaling sa kanyang bahay. Ayon sa local authorities wala silang kakayahan na pilitin at pigilan na lumabas ang lalaki sa kanyang bahay.

Namatay ang lalaki dahil sa pneumonia na sanhi ng coronavirus, ayon sa prefecture, bukod pa dito nagkaroon siya ng respiratory abnormalities matapos siyang ma-admit sa hospital noong March 5. Siya din ay may hepatocellular cancer.

Ang pulisya ay naglunsad ng imbestigasyon sa lalaki noong nakaraang Biyernes matapos ang isang babae na nasa kanyang 30s na nagtatrabaho sa isang Philippine pub ay nag positibo sa virus..

Sa Philippine pub, kumanta ang lalake ng karaoke at inakbayan ang ka table na babaeng empleyado. Bagaman nag negatibo ang empleyado sa virus, ang isa pang kasamahang babae ay nagka lagnat noong Marso 8 at kalaunan ay nag positibo ito sa virus, ayon sa opisyal ng lungsod ng Toyota,

Ang parehong izakaya at Philippine pub ay pansamantalang nasuspinde ang negosyo mula Marso 4, kasama ang tagapamahala ng pub na nagsampa ng reklamo sa pulisya noong nakaraang Biyernes para sa obstruction of business.

Source: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund