GUNMA
Ang pulisya sa Kiryu, Gunma Prefecture ay inaresto ang isang 54-taong-gulang na lalaki dahil sa hinala na fraudulent obstruction of business nang sabihin niya sa isang babae na katabi niya sa train na siya ay nahawahan ng coronavirus, na nagdulot ng pagkaantala sa schedule ng operation ng train.
Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente bandang 4:30 p.m. Lunes na sakay ng isang train sa JR Ryoma Line, iniulat ng Sankei Shimbun. Sinabi ng pulisya na si Kiyoshi Kogure, isang manggagawa sa konstruksiyon mula sa Tochigi Prefecture, ay lasing noong oras ng insidente. Sinabi niya sa kalapit na pasaherong babae na siya ay nahawaan ng coronavirus.
Nang makarating ang train sa Kiryu Station, sinabi ng pasahero sa mga opisyal ng istasyon na tumawag sa pulisya. Lahat ng mga pasahero ay hiniling na bumaba sa train. Apat na pulis na nakasuot ng hazmat ang naghatid kay Kogure sa isang health center kung saan nag test sya at negatibo ito sa virus. Nakipag-ugnay din ang pulisya sa isang health center sa Tochigi Prefecture na nagsabing hindi pa nila nate test si Kogure sa kanilang prefecture.
Ayon naman sa lalaki joke joke niya lang daw yon sabi niya sa pulisya at lasing lang siya.
Ang insidente ay nagdulot ng isang oras na pagkaantala sa Ryoma Line.© Japan Today.
Join the Conversation