IBARAKI
Inaresto ng pulisya sa Kamisu, Ibaraki Prefecture ang isang 30 taong gulang na tatay, walang trabaho sa hinalang pang-aabuso sa kanyang dalawang buwang gulang na kambal na anak noong nakaraang taon.
Ayon sa pulisya, si Satoshi Ishikawa ay naaresto noong nakaraang buwan dahil sa hinala na pananakit sa kanyang mga anak na lalaki, na ipinanganak noong nakaraang Agosto, sa bahay ng pamilya ng kanyang asawa sa Choshi City, Chiba Prefecture, noong Oktubre, iniulat ng Fuji TV. Ang mas matanda sa kambal ay sinugod sa ospital na may fracture sa ulo sa kalagitnaan ng Oktubre. Noong Oktubre 31 naman, ang nakababatang kambal ay sinugod din sa ospital matapos ang ilan sa kanyang mga buto ay may bali.
Ang kambal ay kasalukuyang gumaling na sa kanilang nga sugat at nasa pangangalaga ngayon ng mga social welfare.
Sinabi ng pulisya na itinanggi ni Ishikawa na sinaktan niya ang kanyang kambal.
© Japan Today
Join the Conversation