TOKYO
Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang isang 30-taong-gulang na lalaki dahil sa hinalang sexual assault sa isang lasing na babae sa distrito ng Ikebukuro ng Tokyo noong Enero.
Ayon sa pulisya, si Kenji Ozaki, isang empleyado ng kumpanya na nakatira sa Minami-Ikebukuro, ay hindi inamin ang mga paratang sa kanya, iniulat ng Fuji TV. Ayon sa kanya, “Ang babae ay hindi lasing at hindi ko siya pinilit na makipagtalik saakin.”
Sinabi ng pulisya na nangyari ang insidente sa pagitan ng 1 a.m. at 3:30 a.m. noong Enero 6 malapit sa Ikebukuro Station. Tinawag ni Ozaki ang babae sa isang underground passage at sinabiniya na tutulungan niyang maka-uwi ang babae ngunit dinala niya ito sa kanyang apartment at doon na niya hinalay ang babae.
Sinabi ng pulisya na agad naman nakatakas ang babae matapos ang panghahalay at agad siyang tumawag sa pulisya noong nagkaroon na siya ng konting kalinawan na may nangyari sa kanyang masama.
Si Ozaki ay lumitaw bilang isang primary suspect matapos ang isang pagsusuri ng footage ng surveillance camera na kung saan nakita siyang sinusubukang kunin ang dalawang iba pang mga kababaihan sa parehong daanan.
© Japan Today
Join the Conversation