Kaso ng Covid-19 sa Japan umabot na sa 1,000 kasama ang mga apektado sa cruise ship

Sa Japan 9 na Health Ministry at mga quarantine officials ang nakumpirma rin na nahawahan ng CoVid-19.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspKaso ng Covid-19 sa Japan umabot na sa 1,000 kasama ang mga apektado sa cruise ship

Ang bilang ng mga nahawaan ng Covid- 19 ay umabot na sa 1,000 noong 9 a.m. ng Miyerkules. Kasama sa bilang ang 706 katao mula sa barko ng Diamond Princess cruise na naka-daong sa  Port ng Yokohama, malapit sa Tokyo.

Ang tally ay batay sa data na pinagsama ng Health Ministry at mga lokal na pamahalaan.

12 katao na ang namatay, 6 mula sa ship cruise.

Sa mga prepektura, ang Hokkaido ang may pinakamaraming kaso na umabot na sa 79. Sinundan ito ng Aichi na may 41, Tokyo na may 40, Kanagawa na may 31, at Chiba na may 14.

Ang Yamaguchi Prefecture sa kanlurang Japan ay inihayag ang unang kaso nito noong Miyerkules ng umaga. Iyon ang nagdala ng kabuuang bilang na 1,000. Ang taong nahawaan ay isang lalaki sa kanyang 40s.

Siyam sa Health Ministry at mga quarantine officials ang nakumpirma rin na nahawahan.

Inihayag ng Health Ministry noong Martes na 58 mga pasyente ay nasa malubhang kondisyon. 34 sa kanila ay mula sa barko. Naka respirator sila o ginagamot sa mga intensive care unit.
Mayroong 46 na mga pasyente ang nakabawi at nakalabas na sa mga ospital noong Martes. Ang bilang na iyon ay hindi kasama ang mga mula sa ship cruise.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund