Inaasahan ng Japanese Airlines na mailunsad sa hinaharap kung saan maaaring makalipad ang mga jet sa himpapawid na gamit ang gasolina na gawa mula sa basura.
Sinabi ng Japan Airlines na ito ay nagsimula nang mag-buo ng isang pinag-samang proyekto upang gumawa ng gasolina mula sa uri ng plastik na basura na itinapon galing sa mga negosyo at sambahayan.
Ang bahagi ng major trading firm na Marubeni ay nakikilahok din.
Nais ng proyekto na alisin ang gasolina sa pamamagitan ng pagproseso ng mga basurang plastik na sobrang sira na o marumi kung ire-recycle pa.
Ang mga kumpanya ay magsasagawa ng isang feasibility study at magtatayo ng isang pasilidad sa Japan para sa pag e-eksperimento.
Ang nasabing gasolina ay maaaring maging handa na sa taong 2025.
Ang mga eroplano sa buong mundo ay nasa ilalim ng malaking presyon upang maka-bawas sa polusyon.
Ang mga bagong patakaran sa susunod na taon ay naglilimita sa paglabas ng carbon dioxide mula sa mga international flight.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation