TOKYO –isang 41 anyos na Thai na ginang ang naaresto matapos umano nitong patayin ang kanyang anak na lalaki at babae nuong March 23 matapos siyang sumuko sa isang Police Box sa suburban Tokyo,lunsod ng Musashino, matapos nitong aminin ang krimen na nagawa.
Ang departamento ng organized crime unit ng Tokyo Metropolitan Police ay inaresto si Ruedeeporn Furukawa sa hinalang pananaksak sa kanyang 13 taong gulang na anak na lalaki na si Junichi, isang 1st year JHS at ang 10 taong gulang na anak na babae na si Saki, nasa ika-4 na baitang sa loob ng kanilang tahanan sa Musashino, Tokyo bandang alas-7:30 ng umaga. Ang ginamit na instrumento sa pag-patay ay isa umanong kitchen knife na may haba na 17 cm at isang fruit knife na may haba na 11.5 cm. Ayon sa mga pulis, umamin na umano sa krimen ang mismong ina ng mga biktima.
Sumuko si Furukawa sa isang Police Box sa east exit ng Kichijoji Station bandang alas-11:15 ng umaga, ang dalawa niyang anak ay kinumpirmang wala ng buhay matapos matagpuan ang dalawa na naka-handusay sa sahig at duguan.
Ini-imbestigahan ng mga pulis ang kaso sa susetsang nagkaroon ng pag-tatalo sa pagitan ni Furukawa at ang kanyang 38 anyos na asawang hapon tungkol sa kostudiya ng kanilang 2 anak.
Ayon sa mga operatiba, sinabi umano ni Furukawa sa mga pulis na “Napag-alaman ko na kukuhain ng asawa ko ang mga anak ko kapag kami ay nag-hiwalay na,” ito ang ibinigay na statement ni Furukawa matapos siyang sumuko sa mga awtoridad. Sa kasalukuyan, ang kanyang asawa ay naninirahan sa ibang lugar dahil sa trabaho.
Sinabi ng isang kapitbahay sa Mainichi Shimbun na siya ay nagulat sa nangyari dahil “mahal na mahal ng ina (Furukawa) ang kanyang mga anak.”
(Japanese original by Yoshitaka Yamamoto, Kazuki Mogami, and Kunihiro Iwasaki, City News Department)
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation