Isang sinaunang Shinto Shrine sa Lunsod ng Kyoto, western Japan, ang nag-alay ng panalangin sa kanilang anito nitong araw ng Martes, na umaasang matapos na ang paglaganap ng bagong coronavirus.
Ang Kamigamo Shrine ay kinikilala bilang isang World Heritage site ng UNESCO. Ang nasabing shrine ay nag-sasagawa ng ritwal tuwing ika-3 ng Marso taon-taon upang ipagdiwang ang Kapistahan ng mga Manika at manalangin para sa kalusugan ng lahat at mataboy ang mga masasamang ispiritu.
Ang pangunahing pari ay nag-alay ng dalangin sa altar, ito ay naglalaman na sana ay matapos na ang pagkalat at paglaganap ng coronavirus. Ang mga seasonal fruits pati ang spray ng peach blossom (na pinaniniwalaang mabisang proteksyon laban sa sakit) at magnolia ay mga kabilang sa mga ini-alay sa altar.
Pinanuod rin ng mga bisita ang mga paper dolls na ipinalutang at ipina-agos sa ilog na nasa loob ng compound ng Shrine– ito ay isang tradisyonal na ginagawa ng mga parokyano bilang panalangin para sa magandang kalusugan para sa kasalukuyang taon.
Isang bisita na nasa kanyang mga 20’s ang nag-sabi na hinahangad niya na matapos na ang pag-laganap ng coronavirus sa lalong madaling panahon. Idinagdag pa niya na siya rin ay nag-iingat at gumagawa rin siya ng hakbang upang maalagaan ang kanyang sarili, tulad ng pag-huhugas ng kamay matapos humawak sa handrails sa tren.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation