Ang mga opisyal sa Mie Prefecture, western Japan ay nag-sabi na isang lalaki na naging pasahero ng cruise ship na tinamaan ng coronavirus ay muling naging positibo ang resulta nang ito sinuri, matapos gumaling mula sa nasabing sakit.
Ang lalaki ay nasa kanyang 70’s, siya ay naging positibo nang sinuri nuong ika-14 ng Pebrero habang ito ay nasa loob pa ng Diamond Princess, na sumailalim sa quarantine habang naka-daong sa Yokohama.
Ang lalaki ay umalis ng medical facility sa Tokyo nuong March 2 matapos makumpirmang negatibo na. Ang lalaki ay umuwi sa kanyang tirahan sa Mie gamit ang pampublikong transportasyon.
Nag-simula siyang magka-sakit at magkaroon ng lagnat na umabot sa 39 degrees celcius nuong Huwebes. Siya ay pumunta ng ospital nuong Biyernes, at nuong Sabado ay nakumpirmang muli itong nagpositibo sa coronavirus.
Ang lalaki ay kasalukuyang nagpapa-gamot sa ospital ng prepektura.
Plano ng mga opisyal ng prepektura na hanapin ang mga aktibidad na ginawa ng lalaki nitong nakaraan upang malaman at masuri ang mga taong kanyang nakasalamuha.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation