Inaprubahan ng gobyerno ng Japan ang bill na maaaring mag-deklara ang punong ministro ng state of emergency dahil sa coronavirus kung kinakailangan.
Ang bill na inaprubahan sa isang pag-pupulong ng gabinete nuong Martes, ay ang binago mula sa kasalukuyang legislasyon na ipinasa nuong taong 2012 upang talakayin ang bagong klase ng influenza at iba pang nakahahawang sakit.
Ang pag-babago sa naturang batas ay ang pag-papalawig ng mga nasasaklaw batas tulad na lamang ng bagong coronavirus hanggang sa 2 taon. Sinabi ng gobyerno na kinakailangan sila gumawa ng maingat na hakbang upang mabilis na masuklaw at matapos ang pag-laganap ng virus sa lalong madaling panahon.
Ang nasabing batas ay magbibigay ng karapatan sa Punong Ministro na mag-deklara ng State of Emergency kung magkakaroon ng mabilis na pag-kalat ng virus sa buong bansa at kung ito ay mag-dudulot ng malubhang epekto sa kabuhayan ng mga mamamayan at sa ekonomiya ng bansa.
Tutukuyin ng Punong Ministro ang mga lugar at haba ng panahon kung saan mailalapat o isasagawa ang nasabing hakbang.
Ang nabanggit na deklarasyon ay mag-bibigay ng permiso sa mga gobernador ng bawat prepektura na paki-usapan o mag-baba ng utos na ang mga naninirahan sa tinukoy ma lugar ay pansamantalang manatili sa loob ng kanilang kabahayan. Maaari rin na ipag-utos nito ang pansamantalang pagpapa-sara ng mga paaralan o mag-higpit sa pag-gamit o pag-punta ilang mga pasilidad kung saan palaging mayroong maraming tao.
Kung kinakailangan, ang binagong legislation ay maaaring magawang posible na ang mga awtoridad ay makapag-set up ng pansamantalang medical facilities sa mga bakanteng lupain o mga gusali kahit na hindi kumuha ng permiso sa mga may-ari nito.
Ang Lower House ng Diet ay naka-takdang mag-simula ng deliberasyon ng batas sa Miyerkules. Inaasahan na ito ay maisa-batas sa Biyernes. Nais ng gobyerno na ito ay mapa-iral o mapa-bisa sa Sabado.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation