Ang Japan’s Industry Ministry ay hinihimok ang mga mamimili na huwag paniwalaan ang maling impormasyon na umiikot sa online tungkol sa kakulangan ng toilet paer dahil sa pagsiklab ng Covid- 19.
Ang ministry ay nag-apila noong Biyernes bilang tugon sa isang panick buying na ginagawa ng mga mamimili na nakaubos sa mga stock sa mga tindahan.
Kumalat ang mga balita sa pamamagitan ng social media na ang ramped-up na paggawa ng mga facemasks ay magiging sanhi ng kakulangan ng materyal parasa toilet paper.
Sinabi ng mga opisyal ng ministry na ang pagagawa ng mga supply ay walang tigil, at ang mga mamimili ay dapat manatiling kalmado.
Sinabi ng isang samahan ng mga tagagawa ng toilet paper na hindi totoo tulad ng iniulat sa social media na ang mga maskara at toilet paper ay gawa sa parehong materyal.
Itinanggi din nito ang mga online na pag-post na nagsasabing ang karamihan sa toilet paper na ibinebenta sa Japan ay na-import mula sa China.
Sinabi nito na ang 97 porsyento ng mga produktong may pamilihan ay ginawa sa loob ng bansa.
Ngunit ayon sa samahan na ang mga gumagawa ng nito ay may sapat na inbentaryo at walang mga problema sa paggawa.
Maaaring magdulot ng panandaliang kauklangan sa mga tindahan, ngunit mabilis silang makakagawa at makakapag supply sa mga tindahan dahilan upang hindi maalarma ang mga mamimili.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation