“Hindi kailangan ang quarantine sa New York, ani ni Trump”

Sinabi ni Trump na kinukonsidera niya ang pag-babawal sa pag biyahe papasok at palabas ng New York area ng mahigit 2 linggo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

 

Umatras si US President Donald Trump sa planong pag-quarantine sa New York upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa hot spot.

Sinabi ni Trump sa Twitter nuong Sabado na hinihiling sa Center for Disease Control and Prevention na mag issue ng “strong travel advisory” para mai-administer ng mga gobernador sa New York, New Jersey at Connecticut.

Ani ni Trump, ang nasabing kahilingan ay naisagawa matapos sumangguni sa mga gobernador ng estado. Dinagdag pa nito na, “hindi kinakailangan ang pag-quarantine.”

Nuong umaga ng araw na iyon, sinabi ni Trump na kinukonsidera niya ang pag-babawal sa pag biyahe papasok at palabas ng New York area ng mahigit 2 linggo.

Base sa kahilingan ng presidente, nag-labas ng advisory nuong Sabado and CDC, na hinihikayat ang mga residente na iwasan muna ang bumyahe kung hindi kinakailangan sa loob ng susunod na 14 araw.

Matapos iminungkahi ng pangulo na maaari niyang subukan na putulin ang buong rehiyon, sinabi ng Gobernador ng New York na si Andrew Cuomo na hindi niya alam kung paano legal na maipapatupad ang isang quarantine. Sinabi din ni Cuomo na hindi niya alam kung ano ang magagawa nito mula sa isang medikal na pananaw.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund