Isang Japanese na lalaki arestado sa pananaksak sa mag-asawang Brazilian sa Shizuoka

Isang 64-anyos na Japanese na lalaki ang naaresto noong Martes dahil sa pananaksak sa mag-asawang Brazilian sa central Japan noong nakaraang buwan, ayon sa pulisya. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang Japanese na lalaki arestado sa pananaksak sa mag-asawang Brazilian sa Shizuoka

SHIZUOKA

Isang 64-anyos na Japanese na lalaki ang naaresto noong Martes dahil sa pananaksak sa mag-asawang Brazilian sa central Japan noong nakaraang buwan, ayon sa pulisya.

Si Masafumi Yamaguchi ay suspect sa pananaksak at pagpatay kay Marcos de Souza at pananaksak din sa asawa ng biktima na si Mary Cristhiane de Souza Takahashi gamit ang isang kutsilyo sa harap ng kanilang bahay sa Kikugawa, Shizuoka Prefecture, bandang 7:30 p.m. noong February 17.

Sinabi ng pulisya na namatay ang asawang lalaki matapos masaksak ng higit sa 10 beses sa bandang tiyan at dibdib, habang ang kanyang asawa ay nagtamo ng menor na mga sugat.

Ang suspek at ang biktimang lalaki, 44, ay dating nagtatrabaho sa parehong pabrika. Sinisiyasat ng mga pulis kung nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dating magkatrabaho.

Ayon sa mga source, ang lalaking Brazilian ay sinaksak sa gate ng kanilang bahay noong pauwi galing sa trabaho at nang marining ng misis nito ang komosyon lumabas ito at pinigilan ang atake kaya’t nagtamo din sya ng mga saksak sa kamay at braso.

Tumangging isiwalat ng pulisya kung umamin ba ang suspect sa krimen.

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund