Sinabi ng gobyerno ng Japan na magbabayad ito ng halos 80 dolyar bawat tao sa bawat araw sa mga trabaho bilang kabayaran sa kita o sweldo para sa mga magulang nag leave sa trabaho dahil sa pansamantalang pagsasara ng mga paaralan sa buong bansa.
Ibinunyag ng Health and Labor Ministry nuong Lunes at inihayag ang mga detalye ng isang bagong sistema ng subsidy habang sinisikap ng pamahalaan na maiwasan ang pagkalat ng bagong coronavirus.
Babayaran ng Ministry ang subsidy ng hanggang 8,330 yen bawat tao sa bawat araw sa mga trabaho kung ang kanilang mga empleyado ay nag avail ng paid leave upang alagaan ang kanilang mga anak dahil sa pagsasara ng paaralan.
Mag-aalok din ito ng stipend sa mga kaso kung saan pinangangalagaan ng mga empleyado ang mga taong pinaghihinalaang na nahawahan ng virus.
Sakop ng panukalang ito ang mga regular at hindi regular na manggagawa na lumiban sa pagitan ng Pebrero 27 at Marso 31.
Plano ng Ministry na matukoy at ipahayag sa lalong madaling panahon kung paano ipatutupad ang sistema.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation