Napag-alaman ng NHK na isang operator ng mga tax free stores sa Japan ay nagsara ng ilang mga tindahan sa kadahilanan na ang lumiit ang bilang ng mga turistang Chinese dahil sa paglaganap ng coronavirus.
Sinabi ni Laox na isinara nito ang isang tindahan sa lungsod ng Naha, Okinawa Prefecture, noong nakaraang buwan at dalawa naman sa prefecture ng Hokkaido at isa sa Kagoshima, timog-kanluran ng Japan.
Nakita ni Laox ang isang malaking pagbagsak sa bilang ng mga mamimili mula noong ipinagbawal ng gobyerno ng China ang mga paglalakbay sa ibang bansa.
Boluntaryong isinagawa ito ng kumpanya mula pa noong isang buwan.
Tinatantiya ng isang Tourism Organization sa Okinawa na ang bilang ng mga bisita sa prefecture sa loob ng tatlong buwan hanggang Mayo ay bababa ng higit sa 1.5 milyon mula sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ini-estima rin nito na hihina ang kita ng turismo na hanggang sa 950 milyong dolyar. May mga alalahanin na maaaring magkaroon ito ng isang seryosong epekto sa ekonomiya ng Okinawa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation